Saturday, April 30, 2005

Kaibigan O Ka-ibigan

Kung ipagtapat kong, iniibig kita
Mabibigla ka ba? Iiwas ka kaya?

Hindi ko masabi, tunay na hangarin
At baka mag-iba, tingin mo sa akin
Mga pangarap sa hinaharap natin
Malusaw ng kusa't, liparin ng hangin

Ilang libong beses, na aking tinangka
Ika'y kalimutan, humanap ng iba
Subalit ito ay hindi ko magawa
Ikaw ang sigaw ng pusong lumuluha

Sa iyong isasagot, puso'y nagaabang
Kahit ano'ng sagot, basta't malaman lang
Nagmamakaawa, h'wag lang ang salitang
"Tayo'y magkaibigan... Hanggang doon lamang"

3 Comments:

Blogger buddy said...

parang kilala ko kung para kanino ito ah... hehe

7:44 PM, May 03, 2005  
Blogger Sassa said...

Hmmm.. Based from experience? hehehe.. Mukhang alam ko kung sino ito (although dko pa nami-meet).. Umabot dito ang balita e.. hehehe

12:03 AM, May 07, 2005  
Blogger Duke Xander said...

Buddy, wag maingay hehehe.. baka mabasa nya. wrong guess Sassa, di sya taga office...:p

12:50 AM, May 10, 2005  

Post a Comment

<< Home